Tinatayang aabot sa P6.8-M ang halaga ng mga learning modules ang nasira sa lungsod ng Marikina kasabay ng pagtama ng nagdaang bagyong Ulysses.
Ito’y ayon sa datos na inilabas ni Department of Education (DepEd) NCR Director Malcolm Garma.
Paliwanag ni Garma, dahil sa pananalasa ng bagyo kinakailangan ng ahensya ng P7-M para mapalitan ang mga nasira at hindi na magami na mga learning modules.
Mababatid na magpahanggang sa ngayon ay suspendido pa rin ang klase sa lungsod makaraang palawigin ito ng isang buwan o hanggang Disyembre.