Umabot sa 250 milyong piso ang nawalang kita ng pamahalaan sa apat na araw na pagsasara ng operasyon ng lotto.
Mahigit sa 21,000 lotto outlets ang ipinasara ng pamahalaan sa nagdaang mga araw matapos suspindihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng palaro ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office.
Gayunman, ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, napatunayan nila na malinis sa anumang uri ng dayaan ang lotto kaya’t ipinag utos ng pangulo ang pagpapatuloy ng operasyon nito.
Sinabi ni Garma na sa ngayon ay katuwang nila ang PNP at ang NBI upang alamin kung saan pumapasok ang korupsyon sa iba pang produkto ng PCSO tulad ng small town lottery, keto at peryahan ng bayan.
“Sa STL, may babaguhin, may aayusin. Yung ibang games, ganun din po, may aayusin at babaghin. Ito po ay ikabubuti po hindi lamang po ng PCSO kundi ng taong bayan na tumatangkilik po sa mga palarong ito nang sa ganun ay mawala na ang agam agam na may dayaan o may panlolokong nangyayari or may mga dapat makarating sa gobyerno na remittance or revenue ay yung tama po ay makakarating po. And this time, we will be very very strict.”—- Pahayag ni PCSO General Manager Royina Garma.