Pumalo na sa P75.14M ang halaga ng pinsalang idinulot ng shear line o ang pagsasalubong ng malamig at mainit na hangin mula sa Pacific Ocean sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa P14.5M ang naitalang pinsala sa sektor ng imprastraktura habang halos P61.9M naman ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura.
Lubog pa rin sa baha ang nasa 48 lugar sa bansa dulot parin ng masamang panahon kung saan, limang lugar sa MIMAROPA ang apektado ng pagbaha; dalawa mula sa Bicol region; tatlo sa Northern Mindanao; at 38 sa BARMM.
Sa ngayon, hindi pa rin madaanan ang 12 mga kalsada sa Bicol region; habang tatlo naman sa Northern Mindanao.