Lumobo na sa mahigit sa P704.7-M ang pinsalang dulot sa imprastruktura ng magnitude 7 na lindol na yumanig sa Northern Luzon.
Sa pinakahuling datos ng NDRRMC, pinaka-malaking pinsala ang naitala sa Cordillera Administrative Region, P302-M; Ilocos Region P393-M at Cagayan Valley Region, P8.5-M.
Tinataya naming nasa 381,000 individuals ang apektado kabilang ang nasa 50,000 individuals na lumikas.
Samantala, bukod sa sampung namatay, nasa 400 ang bilang ng nasugatan.
Mula sa 24,901 damaged houses, 24,547 sa mga ito ang bahagyang napinsala habang 354 ang lubhang napinsala o totally damaged.