Aabot na sa halos 600 milyong piso ang pinsalang iniwan ng Bagyong Ineng sa Ilocos Norte.
Ito ay ayon kay Governor Matthew Marcos Manotoc matapos isailalim sa state of calamity ang buong lalawigan dahil sa pananalasa ng bagyo.
Sa naturang kabuuang halaga ay mahigit 300 milyong piso ang pinsala sa imprastraktura at 40 milyong piso naman sa agrikulutra.
Ani ng gobernador, higit 20,000 residente na ang naapektuhan mula sa higit 100 barangay sa lalawigan.
Dagdag pa nito, nakatanggap na raw ng tulong ang lalawigan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.