Sumampa na sa mahigit P8.9 billion ang halaga ng pinsala ng bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, pinaka-malaki ang naitalang pinsala sa mga imprastraktura, gaya ng mga kalsada at tulay na halos P4.7 billion na.
Kabilang sa matinding naapektuhan ang mga imprastraktura sa Calabarzon, na lumobo na sa P1.2 billion ang halaga ng pinsala; MIMAROPA, P997 million; Bicol, P793 million at Cordillera P736 million.
Sumirit naman sa halos P4.3 billion ang damage sa mga pananim kung saan ang Cagayan Valley Region ang pinaka-napuruhan matapos magtala ng P1.2 billion na halaga ng pinsala; sinundan ito ng Bicol, P924 million; Calabarzon, P7326 million at Central Luzon, P430 million.
Dahil dito, aabot na sa 109,000 farmers at fisherfolks ang nasalanta ng kalamidad habang mahigit 121 hectares na ng agricultural land ang naapektuhan.