Umakyat pa sa mahigit P1.56-B ang halaga ng pinsala ng pananalasa ng bagyong Ambo sa agrikultura.
Ayon sa Department of Agriculture – Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DA-DRRMO), umaabot na sa mahigit 28,000 ektarya ng mga sakahan ang nasira dahil sa pananalasa ng bagyong Ambo.
Pinakanaapektuhan ang mga high value crops na umaabot sa P1.13-B is ang nalugi o nawalang kita, sinundan ng mga palayan na umaabot sa P239-M.
Gayundin ang mga maisan na umaabot naman sa P126-M.
Samantala, mahigit 45,000 naman ng mga magsasaka mula sa Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Eastern Visayas, Mimaropa at Cordillera Administrative Region ang naapektuhan.