Pumalo na sa mahigit P1-B ang halaga ng pinsalang idinulot ng pananalasa ng bagyong Ambo sa sektor ng agrikultura.
Batay sa datos ng Department of Agriculture – Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, umaabot sa mahigit 20,600 ektarya ng mga taniman mula sa Central Luzon, Calabarzon, Bicol at Eastern Visayas ang nasira.
Pinakamatinding tinamaan ang mga high value crops tulad ng saging at papaya na umaaabot sa P750-M ang halaga ng pinsala.
Sinundan ito mga palayan na umaabot sa P148-M at maisahan na nasa P116-M halaga ang mga nasira.
Tinataya namang nasa P19-M ang halaga ng mga nawasak sa sektor ng pangisdaan habang halos P350,000 sa livestocks.