Sumampa na sa P3.3 billion ang halaga ng pinsala ng bagyong Karding sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.
Ayon sa NDRRMC pinakamalaki ang pinsala sa agrikultura na nananatili sa mahigit P3-B habang umabot na sa P304 million imprastraktura.
Kabilang sa pinaka-matinding naapektuhan ang ekta-ektaryang palayan at gulayan sa Central Luzon, CALABARZON, Cordillera Administration, Ilocos, Cagayan Valley at Bicol regions.
Samantala, nasa 51k kabahayan ang nawasak o bahagyang napinsala sa mga nasabing rehiyon.