Lomobo pa sa mahigit limang bilyong piso ang halaga ng pinsala ng bagyong Nina sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, aabot sa P 5.143-bilyon ang kabuuang pinsala kung saan P 4.130-bilyon ang pinsala sa agrikultura, habang P 1.053-bilyon sa imprastraktura kabilang na ang mga nasirang kalsada, tulay, river control, health at school facilities.
Nakapaloob sa report ng NDRRMC ang assessment sa CALABARZON, MIMAROPA at Bicol region.
Kabuuang 248,380 na kabahayan ang nawasak ng bagyo.
Habang nasa 446,496 pamilya o katumbas ng 1.986 milyong katao ang naapektuhan ng bagyong Nina sa buong bansa.
By MeAnn Tanbio