Sumampa na sa 4.8 bilyong piso ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyong Nina sa agrikultura at imprastraktura.
Pinakamatinding naapektuhan ang sektor ng agrikultura kung saan nasa 4 billion pesos ang halaga ng pinsala.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), saklaw ng total damage ang 65,247 hectares ng agricultural areas na may tinatayang 268,355 metric tons na production loss.
Kabilang sa mga apektado ang mga palayan, maisan, fisheries at high-value crops gayundin ang nasa 70,000 magsasaka sa CALABARZON at Bicol regions.
Tinaya sa 2.4 billion pesos ang pinsala sa mga palayan na may 168,581 metric tons na production loss.
Pinakamatinding nagtamo ng pinsala ang Bicol region, CALABARZON at MIMAROPA partikular sa Mindoro provinces.
By Drew Nacino