Papalo sa P160 million pesos ang pinsala ng bagyong Nona na 6 na beses nag-landfall sa iba’t ibang probinsiya sa bansa.
Ipinabatid ng NDRRMC na nasa P2.8 million pesos ang pinsala ng bagyong Nona sa imprastruktura at P157 million pesos sa agrikultura.
Sa mga pananim na palay at mais, umaabot sa P105 million pesos ang pinsala habang P52 million pesos naman ang pinsala sa high value commercial crops.
Partikular na naapektuhan ang mga imprastruktura sa Marinduque habang nasalanta naman ng labis ang mga pananim sa Camarines Sur, Masbate at Albay.
2 confirmed dead
Dalawa (2) katao na ang naitalang patay dahil sa bagyong Nona.
Pinakahuling naitalang patay ang isang Jason Blesario, 28-anyos at taga-Matuginao, Samar.
Narekober ang labi ni Blesario na isang isang rescuer na natangay ng malakas na agos sa kasagsagan nang pananalasa ng bagyong Nona.
Nabatid na inililigtas ni Blesario ang kaniyang mga ka-barangay nang biglang maputol ang lubid na nakatali sa kaniyang beywang kaya’t mabilis na tinangay ng malakas na agos.
By Judith Larino | Jonathan Andal