Pumalo na sa mahigit P6.3 billion pesos ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura.
Batay pa sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa mahigit P5.6-billion pesos ang pinsalang idinulot ng bagyo sa imprastraktura.
Nagtamo ng pinakamalaking pinsala sa imprastraktura ang CALABARZON, na umabot sa mahigit P1.5-billion pesos.
Nagpapatuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan sa mga lugar na hinagupit ng kalamidad. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)