Lumobo pa sa P6.2-B ang halaga ng pinsala ng Bagyong Paeng sa agrikultura at imprastraktura.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pinaka-malaki ang pinsala sa imprastraktura na umabot sa P3.5-B.
Ayon naman sa Department of Agriculture, sumampa na rin sa mahigit P2.7-B ang pinsala sa Agriculture Sector.
Kabuuang 82,830 hectares ng agricultural land ang nagtamo ng pinsala sa Bicol, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao at Soccsksargen regions.
Kabilang sa matinding pinadapa ang mga palayan na umabot sa 95,000 metric tons ang volume loss o P1.7-B ang halaga ng pinsala na sinundan ng high value crops, P555.4-M at fisheries, P201-M.
Pinaka-lubhang nasalanta ang sektor ng agrikultura at imprastraktura sa Bicol Region na umabot sa P1.2-B ang kabuuang halaga.
Nagpapatuloy ang pamamahagi ng ayuda ng D.A. sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.