Umabot na sa P58 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng flashfloods dulot ng ilang araw na pag-ulan sa Oriental Mindoro.
Magugunitang nakaranas ng pag-ulan ang lalawigan dala ng amihan at low pressure area sa Luzon simula noong Enero a – kwatro hanggang a – nwebe.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, kabilang sa mga napinsala ang palayan, prutasan, gulayan at maisan maging ang mga babuyan, manukan at palaisdaan.
Aabot naman sa halos limampung magsasaka at mangingisda ang apektado ng kalamidad.
Kabilang sa pinaka-matinding nalubog ang mga bayan ng Naujan, Baco at lungsod ng Calapan.
Samantala, aabot na sa labindalawang libo apatnaraang pamilya rin ang naapektuhan sa Baco.