Patuloy ang pagtaas ng halaga ng pinsalang dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), pumalo na sa 5.3 billion pesos ang halaga ng pinsala simula Enero hanggang Marso kung saan nasa 230,000 ektaryang sakahan na ang natuyot.
Pinakamatinding nakaranas ng tagtuyot ang mga palayan; maisan at high value crops habang nasa 130,000 ang mga magsasakang apektado.
Kabilang naman sa pinaka-apektadong lugar ang mga ARMM partikular ang Maguindanao; Regions 10 at Region 6.
By Drew Nacino