Pumapalo na sa mahigit P8 bilyong piso ang pinsala ng El Niño at pest infection sa sektor ng agrikultura.
Base sa datos mula Enero 1 hanggang Mayo 3, ang damage costs ng El Niño ay umaabot sa P7.013 billion, habang sa pinsala sa peste ay nasa P1.671 billion.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary for Operations Emerson Palad na naagapan ng kagawaran ang posibleng epekto ng El Niño sa mga pananim sa pamamagitan ng kanilang mga programa upang hindi maging malaki ang pinsala sa mga sakahan.
Sa monitoring ng DA, umaabot lamang sa 300,000 metriko toneladang produksyon ang napinsala ng El Niño kumpara sa kanilang pagtaya ng nagsisimula pa lamang ang tagtuyot na nasa 900,000 metric tons.
Pumapalo naman sa 217,925 magsasaka ang apektado ng El Niño.
By Meann Tanbio | Monchet Larano