Papalo na sa P3 bilyong piso ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Ipinabatid ni Agriculture Assistant Secretary for Field Operations Edilberto de Luna na napuruhan sa matinding tagtuyot ang palay, mais at high value crops.
Matindi namang tinamaan ng El Niño ang mga rehiyon ng SOCCSKSARGEN o South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Saranggani at General Santos City at Northern Luzon.
Maraming magsasaka rin ang hindi nakapagtanim ng palay dahil sa kawalan ng tubig.
Hinimok na lamang ng DA ang mga magsasaka na magtanim ng mga hindi nangangailangan ng maraming tubig tulad ng monggo.
By Judith Larino