Umabot na sa isandaang (100) milyong piso ang halaga ng pinsalang dulot ng fish kill sa Lake Sebu, South Cotabato.
Ayon kay Rudy Muyco, warden ng Lake Sebu, sumampa na sa isanlibo apatnaraang (1,400) toneladang tilapia ang nangangamatay simula noong Biyernes.
Tatlong barangay na anya ang isinailalim sa state of calamity dahil sa fill kill.
Samantala, ibinabala naman ng mga fish dealer ang nagbabadyang kakulangan sa supply ng tilapia sa naturang lugar lalo’t wala pang ibang mapagkukunan ng mga isda.
By Drew Nacino