Pumapalo na sa mahigit 51.7 million pesos ang halaga ng pinsalang idinulot ng pagtama ng magnitude 6.5 na lindol sa Leyte noong nakaraang linggo.
Ayon sa NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 1,700 kabahayan ang napinsala ng pagyanig kung saan mahigit 700 rito ang tuluyang nawasak.
Bukod sa gumuhong gusali, nagkabitak-bitak na mga silid-aralan at natumbang tore ng kuryente, labing-apat (14) na kalsada at sampung (10) tulay rin ang nagtamo ng pinsala.
Samantala, umakyat na sa 329 ang mga nasugatan, habang nasa siyam na libong (9,000) indibidwal ang nagsilikas dahil sa lindol.
By Meann Tanbio | ulat ni Jonathan Andal (Patrol 31)
Halaga ng pinsala ng Leyte quake umabot na sa mahigit P51-M was last modified: July 10th, 2017 by DWIZ 882