Pumalo na sa halos P300-M halaga ng imprastraktura ang nasira ng kambal na lindol sa Batanes.
Sa tala ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kasama sa kabuuang 292 million pesos na halaga ang damages sa mga residential areas, public buildings, mga kalsada at ang slope protection structures na matatagpuan sa barangay Sta. Lucia, San Rafael, Sta. Rosa, Sta. Maria at Raele.
Pinakamaraming nasira ay naitala sa barangay San Rafael kung saan umabot ng 103.36 million ang damages sa mahigit dalawang daang istruktura.
Patuloy naman ang pagsisikap ng national at local government para muling ibangon ang Batanes.