Sumampa na sa mahigit dalawang daang (200) milyong piso ang halaga ng mga pinsalang naidulot ng 6.5 magnitude na lindol sa Leyte noong Hulyo 6.
Batay sa tala ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council mahigit isang daang (100) eskwelahan ang nasira, sampung (10) ospital, tatlumpu’t anim (36) na gusali ng gobyerno at pitong (7) commercial buildings.
Mahigit sa tatlong libong at limang daang (3,500) kabahayaan namang nasira ng lindol habang umaabot sa dalawampu’t pitong libong (27,000) mga residente ang apektado.
Sumampa naman sa apat ang bilang ng nasawi at nasa apatnaraan at apatnapu’t walo (448) ang sugatan.
By Krista de Dios | ulat ni Jonathan Andal (Patrol 31)
Halaga ng pinsala ng lindol sa Leyte umabot na sa mahigit P200-M was last modified: July 17th, 2017 by DWIZ 882