Sumampa na sa halos animnapu’t isang (61) milyong piso ang halaga ng pinsalang dulot ng magnitude 6.5 na lindol sa Leyte.
Sa tala ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, 51 milyong piso sa nasabing halaga ng pinsala ay mula sa mga nasirang kalsada, walong (8) milyong piso sa mga tulay, habang pitong daang libong piso (P700,000) sa mga kabahayan.
Sa kabuuan, umaabot sa 1,100 kabahayan ang winasak ng lindol kabilang na rito ang nagkabitak-bitak ding mga silid-aralan, gumuhong gusali at natumbang tore ng kuryente.
Nanatili naman sa 329 ang sugatan, dalawa ang kumpirmadong patay, habang nasa labing-isang libong (11,000) indibidwal ang mga nagsilikas.
By Meann Tanbio | ulat ni Jonathan Andal (Patrol 31)
Halaga ng pinsala ng lindol sa Leyte umabot na sa P61-M was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882