Pumalo na sa 269.1 million pesos ang halaga ng pinsala ng magnitude 7 na lindol sa sektor ng agrikultura sa Cordillera at Ilocos Regions.
Batay sa datos ng Department of Agriculture, kabilang sa mga napinsala ang mga irrigation system, farm to market roads, mga istruktura sa pagsasaka, at iba pa.
Wala namang naitalang pinsala sa mga pananim, sa lalawigan.
Sa ngayon, patuloy ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa mga magsasaka at mangingisda na apektadong lindol.