Sumampa na sa higit P500M ang pinsala sa imprastratura ng pagtama ng magnitude 6. 1 na lindol sa Luzon noong Lunes, Abril 22.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang P505.9M na ang halaga ng pinsala sa mahigit 330 istraktura sa Metro Manila, Ilocos, Central Luzon at Calabarzon dahil sa lindol.
Pinakamatinding tinamaan anila ang Central Luzon kung saan pumalo na sa P22.6M ang halaga ng mga nasirang eskwelahan habang nasa P200M naman sa mga kalsada at tulay.
Nananatili naman sa 18 ang bilang ng nasawi dahil sa lindol habang 174 ang nasugatan at 5 pa ang patuloy na pinaghahanap.