Pumalo na sa 700 milyong piso ang naging pinsala sa 6.7 magnitude na lindol na tumama sa Surigao del Norte.
Sa tala ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, higit tatlong libong (3,000) kabahayan ang nasira ngunit inaasahang madadagdagan pa ito sa pagpapatuloy ng ginagawang damage assessment.
Nanatili naman sa walo ang bilang ng nasawi habang marami pa ring lugar ang walang suplay ng tubig.
Nagsimula na rin ang paglilinis sa mga eskwelahan na maaari pa ring gamitin para sa pagsisimula ng klase sa Lunes.
By Rianne Briones
Photo Credit: DSWD Caraga