Sumampa na sa mahigit P33 bilyon ang halaga ng pinsalang dulot ng Bagyong Ompong sa agrikultura at imprastraktura.
Pinaka-malaki ang naitalang pinsala sa agrikultura na nasa P26.7 bilyon ang halaga kung saan pinaka-apektado ang daan-daang ektaryang palayan sa Northern at Central Luzon o katumbas ng P14.5 bilyon na halaga.
Aminado naman si Agriculture Secretary Manny Piñol na may pondo sila para sa rehabilitasyon, maaaring hindi ito maging sapat.
Ayon kay Piñol, tanging hawak nila ay quick-reaction fund na aabot sa P600 milyon, crop insurance na P1.6 bilyon at pat emergency loan program na P880 milyon.
Mayruon din aniya silang stock subalit limitadong supply ng bigas, mais at crop seeds.