Umakyat na sa mahigit P700m ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng bagyong Agaton.
Batay sa datos ng inilabas ng Department of Agriculture (DA) hanggang alas-3 ng hapon nitong April 15, kabuuan nang P703.3m ang halaga ng nasira ng bagyo.
Apektado nito ang 11, 666 magsasaka na may production loss na 40, 850 metric tons.
Nasa 17, 530 ektarya naman ang nasira ng bagyo sa; Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN at Caraga.
Sa ngayon, patuloy ang pagtataya ng da sa halaga ng pinsala ng bagyo sa Agri-Fisheries ng bansa. — sa panulat ni Abby Malanday