Sumampa na sa P594 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura matapos ang magkasunod na bagyong Maymay at Neneng.
Ayon sa Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, umakyat na rin sa halos 37,000 metric tons ang production loss.
Nasa 22,000 hectares naman ng lupang sakahan ang napinsala dahilan para maapektuhan ang mahigit 22,000 magsasaka at mangingisda sa Cordillera, Ilocos at Cagayan Valley Regions.
Pinakamalaki ang pinsalang dulot sa mga palayan na aabot sa kalahating bilyong piso.
Samantala, tiniyak ng D.A. ang tulong sa mga apektadong magsasaka.