Pumalo na sa P14.6 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng pagbaha sa Ifugao.
Batay sa ulat ng Department of Agriculture (DA), apektado ng pagbaha ang 684 na mangingisda.
Dulot ng southwest monsoon ang pagbaha na sumira ng 728 metriko toneladang produksyon at 198 ektarya ng agrikultura.
Kasama rin sa nasira ang palay at high-value crops na itinanim ng mga residente sa Ifugao.
Sa ngayon, para matulungan ang mga naapektuhan ng pagbaha ay mamamahagi ng buto ang Department of Agriculture sa mga magsasaka.
Hiwalay pa ito sa Survival and Recovery Program of the Agricultural Credit Policy Council na ilulunsad para sa mga residente.