Umabot na sa mahigit P28.7 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa bansa.
Ito’y ayon sa Department of Agriculture- Disaster Risk Reduction and Management (DA-DRRM) Operations Center matapos tumama ang magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon noong Miyerkules.
Sa datos ng DA-DRRM, lumalabas na mas matinding tinamaan ang irrigation systems, farm-to-market roads, at farm structures sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos Region.
Mahigit P19 milyon ang sinasabing lugi sa irrigation systems sa dalawang rehiyon habang higit P9 milyon din ang pinsala sa agrikultura sa Abra.
Samantala, agad namang nagpadala ang DA ng dalawang Kadiwa trucks para mamahagi ng food supply sa mga apektadong lugar.