Pumapalo na sa mahigit P14 bilyon ang pinsalang iniwang ng Bagyong Ompong sa sektor ng agrikultura.
Base ito sa initial assessment na ginawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ang P14.3 bilyon na halaga na sinira ng Bagyong Ompong ay sa taniman ng palay, mais at mga gulay sa mga lalawigan sa Region 1 o Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at Cordillera Administrative Region (CAR).
Bukod sa mga pananim, naapektuhan rin ng bagyon ang ilang livestock at agricultural infrastructure sa lugar.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Edgar Posadas, umaabot sa halos 172 magsasaka ang direktang apektado ng nakalipas na bagyo.
Umaabot na sa 69 ang official death toll ng Bagyong Ompong.