Umabot na sa mahigit P1-B ang pinsala sa agrikultura ng epekto ng El Niño phenomenon.
Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, kung saan pinakamalaki nito sa Western Visayas na halosp 700, 000, 000 ang halaga ng nasira sa Agriculture Sector.
Sinundan ito ng MIMAROPA na nasa mahigit P 300, 000, 000 ang pinsala, habang aabot naman sa mahigit 54,000,000 ang halaga ng nasira sa Ilocos.
Sa CALABARZON, umakyat na sa mahigit 2,000,000 ang pinsala ng El Niño, at mahigit 700,000 ang nasira sa Zamboanga. sa panunulat ni Charles Laureta