Pumalo na sa P282-M ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Batanes kasunod ng pagtama ng kambal na lindol sa lalawigan.
Sa pag-iinspeksyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa buong lalawigan, nasa 953 gusali ang kanilang naitalang naapektuhan ng lindol.
185 sa mga ito ang hindi na maaaring gamitin, 81 naman ang kailangan munang ayusin bago magamit muli habang mahigit 680 ang maaari nang mabalikan ng mga residente.
Kaugnay nito, pinagkalooban ng DPWH ng mga construction materials ang mga residenteng hindi pa maaaring makabalik sa kani-kanilang mga tahanan para makapagpatayo ng mga pansamantalang matitirahan.
Patuloy naman ang pagmomonitor ng DPWH para sa patuloy na pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol.