Pumalo na sa P220-M ang kabuuang halaga ng pinsala sa lalawigan ng Leyte matapos tamaan ng magnitude 6.5 na lindol.
P122-M sa nasabing halaga ay ang natamong pinsala sa mga kalsada, P32-M sa mga nasirang tulay at P19-M sa mga pribadong istraktura.
Habang P35-M naman ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura, P10-M sa mga ospital at P700,000.00 sa mga nasirang gusali ng gobyerno.
Batay din sa tala ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, bumaba na lamang sa 15,000 residente ang hindi pa nakababalik sa kanilang mga tahanan at nananatili pa sa mga evacuation centers o nakikituloy sa kanilang mga kaanak.
Napako na rin sa 448 ang bilang ng nasugatan habang tatlo ang kumpirmadong nasawi.
- Krista De Dios | Story from Jonathan Andal