Umakyat na sa 1.2 billion pesos ang halaga ng pinsala sa imprastraktura na iniwan ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo sa kabuuang P651,519,209 ang naiulat na halaga ng pinsala sa Ilocos Region; P32,029,162.81 sa Cagayan; at P568,740,000 sa Cordillera Administrative Region.
Aabot sa kabuuang 28,702 na kabahayan ang nawasak kung saan, 28,289 sa mga ito ang bahagyang napinsala habang 413 ang lubhang napinsala o totally damaged.
Samantala, nananatili naman sa 10 ang napaulat na nasawi sa lindol at 394 ang mga napaulat na nasugatan. —sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)