Sumampa na sa 189 Million Pesos ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa Albay dahil sa pagaalburoto ng Bulkang Mayon.
Batay sa tala ng NDRRMC, 181 Million Pesos ang pinsala sa bigas, 7 million Pesos sa mais habang halos kalahating miyong Piso sa Abaca.
Sinabi naman ni Agriculture Secretary Manny Piñol na nasa pitumpung porsyento na ng mga palayan sa paligid ng Mayon ang napinsala.
Ayon kay Pinol, may nakalaan nang 1 Bilyong Pisong pondo para bigyang ayuda ang mga magsasaka sa Albay.
Nakatakdang magtungo sa Albay si Pinol ngayong hapon para silipin ang sitwasyon ng mga sakahan doon upang makabuo ng rekomendasyon na ipapasa sa Pangulong Duterte na nakatakda ring bumisita sa Albay bukas.