Pumalo na sa mahigit P54.7M ang pinsala sa agrikultura ng pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan dulot ng amihan sa ilang bahagi ng bansa.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala ng pinsala sa probinsya ng MIMAROPA, Regions 5 at 8.
Kabilang sa mga napinsala ang mga palayan, maisan, high value crops at palaisdaan.
Umabot naman sa P5.2M ang pinsala sa imprastraktura na naitala sa Region 5 at Region 10.
Samantala, mahigit P2M na ang pinsala sa irigasyon sa Bicol Region. – sa panulat ni Jenn Patrolla