Umabot na sa mahigit P3-milyong ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyong florita sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa DA, ang nasabing halaga ay katumbas ng total volume loss na 220 metric tons ng agricultural products, na naka-apekto sa tatlundaan at sampung magsasaka at 628 hectares ng agricultural land.
Pinaka-matinding nakaranas ng pinsala ang mga palayan na may total volume loss na 217 metric tons o P2.9 million sa Northern Luzon.
Damay din ang mga gulayan, partikular ang mga high-value crop maging ang fishing sector.
Tiniyak naman ng DA ang tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.