Sumampa na sa 29 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Ineng habang 11 ang nawawala.
Karamihan sa mga biktima ay mula sa Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley at Central Luzon regions.
Tinaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa 72,000 pamilya o nasa 318,000 katao na ang naapektuhan ng kalamidad sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B at CAR.
Umabot naman sa mahigit 5,700 kabahayan ang napinsala o nawasak sa mga naturang lugar.
Samantala, pumalo na sa halos P2.7 bilyong piso ang pinsalang dulot ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura na matinding naapektuhan.
By Drew Nacino