Aabot na sa mahigit dalawang bilyong pisong halaga ang pinsala sa agrikultura na naidulot ng bagyong Maring.
Ito’y base sa huling datos ng Department of Agriculture o DA, naitala ang pinsala sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas at Soccsksargen.
Nasa mahigit 100K metric tons ng produksyon sa bansa ang nawala at 8K agricultural areas ang napinsala dahil sa naturang bagyo.
Habang nasa halos 80K naman na magsasaka ang naapektuhan ang kabahayan.
Dahil dito, nasa 24 na ang kumpirmadong nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Maring kung saan iba pa rito ang 17 napaulat na nasawi dahil sa bagyo.