Pumalo naman sa 158,510 pamilya o 626,177 na inibidwal ang apektado dahil sa pananalasa ng bagyong Maring.
Sakop ng pananalasa ng bagyong Maring ang mahigit 1,400 barangay sa mga rehiyon kabilang na ang Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, CAR at CARAGA.
Pumalo naman sa halos dalawang bilyong piso ang halaga ng mga napinsala sa sektor ng agrikultura sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas, CARAGA at CAR.
Habang nasa mahigit 1.6 bilyong piso naman ang napinsalang imprastraktura sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan, Mimaropa, Western Visayas, CARAGA at CAR.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 3.7 bilyon ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyong Maring.—sa panulat ni Angelica Doctolero