Sumampa na sa 1.7 billion pesos ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyong Odette sa Cebu City.
Ayon kay Cebu City Mayor Michael Rama, ang nasabing halaga ay pagtaya pa lamang sa pinsala sa mga bahay at hindi pa kabilang ang negosyo at agrikultura.
Umapela naman si Rama sa national government ng karagdagang ayuda para sa lungsod, isang linggo matapos hagupitn ng bagyo.
Aminado ang alkalde na hanggang isang bilyong piso lamang ang kakayaning ilabas ng Cebu City Government upang tulungan ang mga residenteng maka-rekober mula sa kalamidad.
17 residente ng lungsod ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Odette at aabot anya sa 15,000 pesos ang ipagkakaloob na financial assistance ng lokal na pamahalaan.
Samantala, inihayag ni Rama na bukas sila sa anumang uri ng tulong mula sa iba pang local government unit, national government at private groups.