Umabot na halos 29 na Milyong Piso ang halaga ng pinsalang dulot ng fishkill sa Obando, Bulacan.
Ayon sa Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Region 3, pawang mga Bangus ang nangamatay sa 130 ektaryang palaisdaan sa Obando.
Ang tinatayang 250 metrikong tonelada ng Bangus ay nagmula sa 40 fishpen operator sa 10 barangay.
Nagsimula ang fish kill noong Mayo 6 dahil sa matinding init na nagresulta sa kakulangan ng oxygen na nataong low tide.