Pumalo na sa mahigit 515 million pesos ang pinsalang idinulot ng mga pag-ulan at pagbahang dala ng shearline sa agrikultura at imprastraktura sa ilang rehiyon sa bansa.
Batay sa pinakabagong tala ng Office of Civil Defense (OCD), umakyat sa 268,000,565 pesos ang halaga ng pinsala sa imprastraktura habang mahigit 247 million pesos naman sa (p247,099,849) agrikultura.
Mahigit limang libong (5,152) kabahayan naman ang nasira gayundin ang limang kalsada at tatlong tulay na hindi pa rin madaanan ng mga sasakyan.
Samantala, nanatili naman sa 52 ang death toll, labing anim ang nasugatan at 18 indibidwal ang nawawala. – mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)