Sumirit na sa kabuuang P12.9-B ang kabuuang halaga ng pinsala iniwan ng bagyong Ulysses na nagpadapa sa buong Cagayan.
Sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) tinatayang nasa higit P8.6-B ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at P4.2-B naman ang pinsalang iniwan sa agrikultura.
Mababatid na sa Cagayan Valley, umabot sa higit P4.9-B ang winasak sa sektor ng imprastraktura habang tinatayang P1.1-B sa agrikultura.
Samantala, sa kaparehong datos na inilabas ng NDRRMC, ang halaga ng pinsalang iniwan ng magkakasunod na pananalasa ng bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses, ay pumalo na sa kabuuang P35-B