Umabot na sa mahigit P1-B ang pinsalang dulot ng bagyong Maring sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa Department of Agriculture, pinaka-matinding napinsala ang Cordillera, Cagayan Valley, Ilocos, Central Luzon, Bicol, Western at Central Visayas Regions.
Mahigit 35K magsasaka at mangingisda naman ang naapektuhanat aabot sa 59,514 metric tons at 52,132 hectares ng agricultural areas ang nasira o napinsala.
Kabilang sa mga apektado ang ekta-ektaryang maisan, palayan, high value crops, livestock at fisheries.
Magugunitang naglaan na ang DA ng P822 milyon bilang paunang tulong sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng bagyo.—sa panulat ni Drew Nacino