Pumapalo na sa 543.2 million pesos ang kabuuang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa mga lalawigan sa bahagi ng Regions 5, 8 at 11 dulot ng bagyong Urduja.
Ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH nasa 120 bilyong pisong pondo ang kanilang kakailanganin para sa pagsasaayos ng mga nasirang kalsada at tulay partikular sa Visayas at MIMAROPA.
Sinabi ni DPWH Spokesperson Undersecretary Karen Jimeno nasa apat na kalsada pa sa lalawigan ng Biliran ang hindi pa rin madadaanan ng trapiko dahil sa landslide.
Nanatili ring sarado ang limang kalsada sa Leyte dulot ng mga nasirang daan, tulay, pagbaha at landslide gayundin sa ilang kalsada sa MIMAROPA Region partikular sa Marinduque at Romblon.
Tiniyak naman ni Jimeno na may nakalaang pondo para sa pag sa pagsasaayos ng mga kalsada at tulay na nasira dulot ng bagyong Urduja at walang ring maaapektuhang mga proyekto.
“Meron din pong mga amount pang-disaster relief fund, so far ang na-request na namin para ipagawa ang mga kalyeng naapektuhan ay umaabot na sa P120 billion for immediate release, kapag ganyan kinukuha yan sa disaster relief funds for 2017 or kung meron pong pagkukuhanan ng savings o kung anong puwedeng ma-augment from other items sa budget namin.” Pahayag ni Jimeno
Ratsada Balita Interview / with report from Aya Yupangco