Pumalo na sa mahigit P44 million ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Florita sa sektor ng agrikultura sa Cordillera.
Ayon kay Cameron Odsey, Regional Director ng Department of Agriculture-Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, kabilang sa mga nasira ang mahigit P34.9 million na pananim ng palay, P7.2 million na mais at P1.78 million na prutas at upland at lowland vegetables.
Ang Kalinga na naging sentro ng bagyo ay nakapagtala ng P34.9 million na nasirang pananim ng palay at mais.
Sumunod dito ang Apayao na may P7.1 million na damage, Mountain Province na P1.7 million at Ifugao na may P142, 878 nasirang pananim.