Lumobo na sa dalawang bilyong piso ang halaga ng mga pananim na mais ang napinsala sa Cagayan Valley Region dahil sa tagtuyot sa nakalipas na dalawang buwan.
Ayon kay Department of Agriculture – regional Executive Director Narciso Edillo, mga magsasaka ng sa mga lalawigan ng isabela at cagayan ang labis na naapektuhan.
Umabot anya sa 45K ektaryang maisan ang naapektuhan dahil sa kakulangan ng ulan.
Nasa 33K magsasaka naman ang nalugi sa pagkapinsala ng mga maisan.
Umaasa ang mga corn farmer na makarerekober ang karamihan sa kanilang mga pananim kung magpapatuloy ang pag-ulan dulot ng habagat.—sa panulat ni Drew Nacino